Kung buhay ka sa oras na to..congratulations...ikaw ay isang surbaybor! Nasubukan mo na bang balikan ang mga araw na nagdaan kung saan dumanas ka ng pagod --pisikal, mental o emosyonal at nasabi mo sa sarili mo "Nakaya ko ba talaga yun?"
Hmmm.. san ba ko magsisimula ng aking kwentong surbaybor? Ah ok, nung ako'y niluwal..ay di pala, hinugot...(CS kasi ang nanay ko nung pinanganak ako kaya di ko alam yung term) mula sa bahay bata ng nanay ko, dinanas ko agad ang isang immunity challenge. My blood type was A,B,O; parang international blood type..hehehe...kaso lason yun; fortunately I survived. Kaso ung nakalagay dun sa baby book ko depressed baby; no ba yun, baby pa lang may problema na.
Sunod naman ay nung nakalunok ako ng buto ng chico o tsiko (ung brown na prutas) at nagsugat ang lalamunan ko...tapos ay nahawa ako ng tuberculosis sa lolo ko. Naranasan ko ding masugatan ang daliri ko dahil tinesting kong ipasok sa umaandar na electric fan at napatunayan kong masakit pala.
Nung nag-aral naman ako sa elementary, parusa ang araw-araw na pagdadala ng bag na may gulong na mala-maleta na may 8 makakapal na textbooks at ang iba ay may kapartner pang workbook at 8 ding notebook. Araw-araw may assignment, tulo na uhog mo sa pagsosolve ng math problems at paggawa ng project na imposibleng magawa ng isang elementary pupil; buti na lang nandyan si nanay.
Sa high school naman, everyday ka makikipag-struggle sa insecurities mo. Bakit may mas maganda sa'yo; pano magiging sikat; pano ka maliligawan. Well failure ako dyan sa area na yan kaya di ko nalang pinilit. Hinayaan ko na lang ulit tumulo ang uhog ko at mapaihi sa pagsosolve ng mas mahihirap pang math problems at pagsasaulo ng halos buong libro.
Ah, nga pala, kasama din sa challenge yung paglalakad sa parada kapag intrams at pagsisinungaling kapag may lakad kasama ng barkada. Hirap magisip ng excuses. Lagi kang nakatingin sa relo; hindi rin naman makapagenjoy. Hehehe.
Nung college naman, ganun pa rin hirap sa pag-aaral pero mas masaya dahil may kaunting freedom na. Yung mga challenges na di ko malililimutan ay ang mga initiation sa mga organizations; pag-akyat sa National Arts Center habang bumabagyo, kumain ng sili, at magbabad sa pool ng naka-formal attire ng ala-una ng madaling araw. Napakalaking hamon ang maging officer ng isang organization at maging editor ka pa ng dyaryo habang nagmemaintain ng grade dahil may ambisyon sa title. Pagdating sa relasyon, challenge din yun kasi kailangan ilihim sa parents kasi bawal. Nakakainis talaga yun. Hirap mag-isip ng dahilan, buti na lang, marami akong extra-curricular activities kaya may nagamit akong excuses. Hehehe.
Ang araw-araw na pagcocommute, pagtawid-tawid at pagkabulok sa traffic ay napakalaking hamon din. May risk na mabangga, manakawan at magkasakit dahil sa libo-libong germs sa lansangan; malas mo pa kapag kinulbit ka ng batang kalye.
Pero sa kabila nito, i'm still here writing this blog and happily struggling with more challenges. Always be reminded that the challenges in our lives are evidence of our existence. You're struggling because you are alive.
No comments:
Post a Comment